Pandaigdigang Isyu
Marami sa EU ramdam ang ‘mataas na panganib’ ng digmaan laban sa Russia: survey
Ipinakita ng survey na 51% ng mga sumagot ang naniniwalang may 'mataas' o 'napakataas' na panganib na makipagdigma ang Russia laban sa kanilang bansa sa mga darating na taon.
![Sa litratong ipinalabas ng ahensiyang pinatatakbo ng estado ng Russia na Sputnik, nagbibigay ng talumpati si Pangulong Vladimir Putin ng Russia sa isang seremonya para ipagdiwang ang Heroes of the Fatherland Day sa Kremlin sa Moscow noong Disyembre 9. [Vladimir Gerdo/Pool/AFP]](/gc7/images/2025/12/11/53093-put-370_237.webp)
Ayon sa AFP |
Karamihan ng mga mamamayan ng siyam na bansa ng European Union (EU) ang naniniwalang mataas ang panganib na sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga miyembro ng bloc at ng Russia, ayon sa isang survey ng polling group na Cluster 17 na inilathala sa French international affairs journal na Le Grand Continent.
Natuklasan sa survey, mula sa halos 10,000 kalahok sa siyam na bansa, na mahigit sa tatlo at kalahating taon mula nang magsimula ang labanan na sanhi ng malawakang pagsalakay ng Russia sa Ukraine noong 2022 at sa gitna ng pangamba, na maaari pang lumawak ang digmaan..
Nagbabala noong nakaraang buwan ang pinakamataas na heneral ng France na si Fabien Mandon na naghahanda ang Russia para sa isang bagong komprontasyon pagsapit ng 2030. Sinabi naman ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia noong unang bahagi ng buwan na kung nais ng Europe ang digmaan, “handa na kami ngayon.”
Ipinakita ng survey na 51% ng mga kalahok ang naniniwalang may “mataas” o “napakataas” na panganib na makipagdigma ang Russia laban sa kanilang bansa sa mga darating na taon. Isinagawa ang pag-aaral sa 9,553 kalahok noong katapusan ng Nobyembre.
Ang mga bansang kasama sa pag-aaral ay France, Germany, Italy, Spain, Poland, Portugal, Croatia, Belgium, at Netherlands, na may higit sa 1,000 kalahok sa bawat bansa.
Nagkakaiba ang antas ng pangamba sa posibleng open conflict laban sa Russia.
Banta ng terorismo
Sa Poland, na may border sa Russia at sa kaalyado nitong Belarus, 77% ng mga kalahok ang itinuring na mataas o napakataas ang panganib.
Bumaba ang bilang na ito sa 54% sa France at 51% sa Germany.
Samantala, 65% ng mga kalahok sa Italy ang itinuring na mababa o walang panganib.
Habang 81% ng karamihan ang nagsabi na maliit o wala ang posibilidad ng digmaan laban sa Tsina sa mga darating na taon.
Sa gitna ng lumalalang debate sa Europe tungkol sa serbisyo militar at muling pagpapakilala ng France ng isang anyo ng boluntaryong serbisyo militar, nagpahayag ng pagdududa ang mga kalahok tungkol sa kakayahan ng kanilang mga hukbong sandatahan laban sa Moscow.
Sixty-nine percent ang nagsabi na ang kanilang bansa ay “hindi kailanman” o “malabong” magkakaroon ng kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa agresyon ng Russia.
Sa France -- ang nag-iisang bansa sa survey na may sandatang nukleyar -- pinakakaunti sa mga kalahok ang may negatibong pananaw, kung saan 44% ang naniniwalang ang kanilang bansa ay “medyo” o “sapat” na may kakayahang ipagtanggol ang sarili.
Sa kabilang dulo naman, ang mga Belgian, Italian at Portuguese, na may 87%, 85%, at 85%, ayon sa pagkakasunod, ay labis na naniniwala na hindi kayang ipagtanggol ng kanilang mga bansa ang sarili.
"Terorismo" ang nanatiling pinakaagarang banta ayon sa opinyon ng publiko sa Europe. Sa siyam na bansang sakop ng survey, 63% ng mga kalahok ang itinuring na "mataas" o "napakataas" ng panganib ng open war laban sa mga grupong “terorista,” ayon sa survey.