Tungkol sa Amin

About Us

Ang GlobalWatch ay isang produkto ng isang pandaigdigang organisasyong pang-media na pinopondohan ng pampublikong budget ng Pamahalaan ng Estados Unidos. Binubuo ang GlobalWatch ng isang pangkat ng mga editor na nakabase sa Estados Unidos at ng maraming freelance na mamamahayag at mga tagalikha ng nilalaman na naninirahan sa iba't ibang panig ng mundo. Layunin ng GlobalWatch na magsiyasat at palakasin ang mga kuwentong napakamahalaga ngunit kadalasang hindi nabibigyang pansin ng mga lokal at rehiyonal na media outlet.

Paalaala tungkol sa mga Link

Ang mga link mula sa GlobalWatch patungo sa mga website sa labas ng pamahalaan ng U.S. o ang paggamit ng mga pangalan ng kompanya, negosyo, o korporasyon sa site ay para sa madaling pag-access ng gumagamit. Ang ganitong paggamit ay hindi nangangahulugan ng opisyal na pag-endorso o pag-apruba ng pamahalaan ng U.S. sa anumang website, produkto, o serbisyo ng pribadong sektor. Walang kontrol sa nilalaman ng mga site na ito ang pamahalaan ng U.S. Ibinibigay ang mga link na ito alinsunod sa nabanggit na layunin ng site. Tinatanggap ang lahat ng link patungo sa GlobalWatch.

Impormasyon sa Copyright

Maliban kung may nakasaad na copyright, ang impormasyon sa site ay nasa pampublikong domain at maaaring kopyahin at ipamahagi kahit walang pahintulot. Ang pagbanggit ng orihinal na pinagmulan ng impormasyon ay lubos naming pinahahalagahan. Kung ang isang larawan, grapiko, o iba pang materyales ay may copyright, kailangang humingi ng pahintulot mula sa orihinal na pinagmulan upang makopya ang mga ito.

Paalaala sa Pananagutan

Ginagawa ang lahat upang maibigay ang tama at kumpletong impormasyon sa GlobalWatch. Gayunpaman, dahil sa dami ng mga dokumentong naka-upload sa maikling panahon, hindi namin magagarantiya na tama ang lahat ng impormasyong ibinibigay.

Tungkol sa mga dokumento at impormasyong nasa website na ito, ang pamahalaan ng U.S. at ang mga empleyado o kontratista nito ay hindi nagbibigay ng anumang garantiya, hayagan man o ipinahihiwatig kasama na ang anumang garantiya na maaaring ibenta ang impormasyon o akma ito sa isang partikular na layunin, kaugnay ng mga dokumentong makukuha mula sa GlobalWatch.

Anumang ahensya ng pamahalaan ng U.S. o kinikilalang legal na organisasyon na tumulong sa paghahanda, pagbuo, o paglalathala ng datos ng GlobalWatch ay naglalabas ng paalaala ng hindi pananagutan sa anumang hindi angkop, maling paggamit, o mapanlinlang na paggamit ng datos na ibinibigay sa mga bumibisita ng site. Bukod dito, ang pamahalaan ng U.S. at mga kontratista nito ay hindi mananagot sa anumang pinansyal o iba pang bunga, anuman ito, na nagmula sa maling paggamit ng materyales sa website na ito. Ang pagbisita at paggamit ng datos mula sa GlobalWatch ay nangangahulugan ng buong pagtanggap sa paalaalang ito.

Pahayag sa Privacy at Seguridad

Gumagamit ang pamahalaan ng U.S. ng mga software program upang makalikha ng buod ng istatistika para sa pagsusuri kung aling impormasyon ang ang may pinakamarami o kaunting interes o pagbisita at upang matukoy ang performance ng sistema o mga problemang teknikal. Ang sumusunod ang mga uri ng impormasyong kinokolekta tungkol sa inyong pagbisita sa GlobalWatch: Pangalan ng Internet domain kung saan kayo nag-access ng GlobalWatch at ang petsa at oras ng inyong pag-access sa site. Kung pinili ninyong magbigay ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng email, gagamitin lamang namin ito upang tumugon sa inyong mensahe.

Para sa layuning pangseguridad at upang matiyak na ang serbisyong ito ay mananatiling bukas para sa lahat ng gumagamit, ang pamahalaan ng U.S. ay gumagamit ng mga software program upang matukoy ang mga hindi awtorisadong pagtatangkang mag-upload o magbago ng impormasyon o manira ng sistema. Ang impormasyong nakuha mula sa pagmamanman na ito ay maaaring gamitin sa mga awtorisadong imbestigasyon ng pagpapatupad ng batas. Ang mga hindi awtorisadong pagtatangkang mag-upload o magbago ng impormasyon sa serbisyong ito ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring parusahan sa ilalim ng Computer Fraud and Abuse Act of 1986 at Title 18 U.S.C. Sec. 1001 at 1030. Maliban sa mga nabanggit na layunin, walang ibang pagtatangkang tukuyin ang mga indibidwal o ang kanilang mga gawi sa paggamit ng site.

Para sa Karagdagang Impormasyon

Kung mayroon kayong mga tanong o komento tungkol sa impormasyong ipinakita rito, mangyaring mag-email sa mga Web information manager sa Makipag-ugnayan sa Amin.