Mga Istratehikong Usapin

Nagkalat online: Datos ng nukleyar ng Russia, nagbubunyag ng kaguluhan

Isang makasaysayang pagkakasisiwalat ng sensitibong datos ang nagbunyag ng mga plano ng mga estratehikong pasilidad nukleyar ng Russia. Isang kahihiyan para sa isang bansang paulit-ulit na ginagamit ang mga sandatang nukleyar upang takutin ang mundo.

Si Russian President Vladimir Putin bumisita sa nuclear submarine Arkhangelsk sa Murmansk noong Marso 27. [Sergei Karpukhin/Sputnik/Pool/AFP]
Si Russian President Vladimir Putin bumisita sa nuclear submarine Arkhangelsk sa Murmansk noong Marso 27. [Sergei Karpukhin/Sputnik/Pool/AFP]

Ayon kay Galina Korol |

KYIV -- Habang ipinagmamalaki ng Moscow ang mga missile na kayang wasakin ang daigdig at nagbabanta ng paggamit ng sandatang nukleyar, ibang anyo ng lakas-militar ng Russia ang nakalantad -- para sa sinumang marunong tumingin.

Gamit lamang ang mga laptop at tiyaga, natuklasan ng mga mamamahayag mula sa Danwatch ng Denmark at Der Spiegel ng Germany ang mahigit 2 milyong dokumento na nagdedetalye ng mga operasyon ng pinakamalihim na pasilidad militar ng Russia. Walang nagsiwalat, walang espiya -- tanging masusing pananaliksik gamit ang bukas na impormasyon at isang network ng mga server mula Belarus hanggang Kazakhstan.

"Unti-unting nilimitahan ng mga awtoridad ng Russia ang access sa database, ngunit nagawa naming malampasan ang mga limitasyong ito,” isinulat ng mga mamamahayag sa Danwatch noong Mayo 28.

Ang pinakamahahalagang lihim ng Kremlin ay hindi nakatago sa likod ng nakasarang pinto -- nakabaon ang mga ito sa isang pampublikong database, naghihintay lamang na matuklasan.

Ang mga opisyal ng estratehikong pwersang nukleyar ng Russia ay nagmamasid sa mga trajectory ng missile sa isang underground bunker sa Dolgoprudny, lalawigan ng Moscow, Abril 2, 1992. [Gerdo/AFP]
Ang mga opisyal ng estratehikong pwersang nukleyar ng Russia ay nagmamasid sa mga trajectory ng missile sa isang underground bunker sa Dolgoprudny, lalawigan ng Moscow, Abril 2, 1992. [Gerdo/AFP]
Isang opisyal ng estratehikong pwersang nukleyar ng Russia ang nagsusuri ng tubo ng paglulunsad ng missile sa Drovyanaya, malapit sa Chita, Siberia, Marso 20, 1992. [Gerdo/AFP]
Isang opisyal ng estratehikong pwersang nukleyar ng Russia ang nagsusuri ng tubo ng paglulunsad ng missile sa Drovyanaya, malapit sa Chita, Siberia, Marso 20, 1992. [Gerdo/AFP]

'Ang pinakamahalagang intelihensiya'

Kabilang sa mga natuklasan ay ang mga plano ng mga estratehikong pasilidad nukleyar na kalakip sa mga imbitasyon para sa bidding na may petsang tag-init 2024.

Sa kabila ng mga pagsisikap ng Kremlin na isara ang mga bidding platform at higpitan ang mga patakaran, patuloy na lumilitaw ang sensitibong impormasyon militar sa mga pampublikong sanggunian.

Ang Russia, na matagal nang sanay sa mahigpit na kontrol, ay nabunyag sa lugar na inakala nitong ligtas ito.

"Ang ganitong uri ng materyal ang pinakamahalagang intelihensiya,” ani Philip Ingram, dating kolonel at pinuno ng 1 Military Intelligence Battalion sa hukbong British, sa Danwatch.

Higit pa sa teknikal na pagkukulang ang pagkakasiwalat na ito: tinatamaan nito ang imahe ng isang bansangnagpapahayag na lahat ay nasa kontrol, ayon sa mga analyst.

"Ipinakikita nito na mahina ang cybersecurity ng internet ng Russia, gaano man nila ito ipinagyayabang,” ayon kay Dmytro Zhmaylo, executive director ng Ukrainian Center for Security and Cooperation, sa Kontur, isang kapatid na publikasyon ng Global Watch.

Mapipilitan ang Russia na baguhin ang mga kritikal na proyekto dahil sa mga pakakasiwalat na ito, sinabi ni Ivan Stupak, isang analyst sa Ukrainian Institute for the Future at dating opisyal ng Security Service of Ukraine (SBU).

"Kapag nabunyag ang isang proyekto, kailangan itong muling pag-isipan at muling gawin. Kailangan ng oras at pondo rito," sinabi niya sa Kontur.

'Mukhang palabas ng propaganda at pananakot'

Ang mga dokumentong natuklasan ng mga mamamahayag mula sa Denmark at Germany ay nagbubunyag ng lawak ngnuclear modernization ng Russia.

Natuklasan nilang nagtayo ang mga manggagawa ng mga bagong pasilidad sa buong Russia at muling itinayo ang ilang lumang base militar.

Ang konstruksyon ay tila higit na nakatuon sa pananakot kaysa sa pangangailangang militar, ayon sa mga analyst.

"Mas mukhang palabas ng propaganda [ng Russia] at panibagong pagtatangka sa pananakot sa mundo" sinabi ni Oleg Zhdanov, isang beterano ng Soviet at Ukraine, analista militar, at kolonel sa reserbang Ukraine, sa panayam ng Kontur.

Ang pagpapakita ng lakas ng Russia ay nagtatago ng mas malalim na mga problemang pang-ekonomiya, ayon kay Zhdanov.

Ang Russia ay isang bansang handang kumain ng shchi [sabaw ng repolyo] mula sa kahoy na sapatos kung kinakailangan, pero patuloy pa rin silang gagawa ng mga missile para katakutan ng mundo,” sinabi niya nang sarkastiko.

'Mahinang bahaging maaaring atakihin'

Kabilang sa milyun-milyong dokumento, natuklasan ng mga mamamahayag ang materyal na maaaring lalong magpahina sa militar ng Russia.

"Ang mga bantang nukleyar, sa mahinahong pananalita, ay hindi na labis na pangangambahan " ani Zhmaylo.

Ang mga plano ng base sa Strategic Missile Forces sa Yasny, lalawigan ng Orenburg -- tahanan ng Avangard missile system mula noong 2019 -- ay natagpuan online.

Ang sistemang ito ay "may pangunahing papel sa mga ambisyon ni [Russian President] Vladimir Putin sa pakikipagkumpitensya ng mga armas laban sa Kanluran,” iniulat ng Danwatch.

Sa unang tingin, ang sistema ng Avangard ay mukhang isang napakalakas na bagong sandata. Sa katotohanan, ang sistemang militar-industriyal ng Soviet ay binuo sa tulong ng mga inhinyerong Ukrainian.

Ang mga tagamasid ng militar ay nananatiling may pag-aalinlangan hinggil sa kasalukuyang kakayahan nito.

"Hindi tiyak kung lumilipad pa talaga ito. At hindi rin tiyak kung nagtataglay ito ng mga katangiang teknikal na ipinagmamalaki ngayon ng Russia. Ang Bulava missile nga, dalawampung taon nang hindi nakakalipad nang ayon sa gusto nila," ani Zhdanov.

Hindi kinukumpirma ng mga dokumento ang kondisyon ng missile, ngunit ibinubunyag nito ang detalyadong impormasyon tungkol sa mga imprastruktura, kabilang ang mga sistemang IT, suplay ng kuryente, tuberya, bentilasyon, pagpainit, at panseguridad.

“Kapag naunawaan mo kung paano dumadaloy ang kuryente o saan nanggagaling ang tubig, at makita mo kung paano magkakaugnay ang iba’t ibang bahagi ng mga sistema, madali mong matutukoy ang mga kalakasan at kahinaan, at makakahanap ka ng mahinang bahaging maaaring atakihin,” sinabi ni Ingram sa Danwatch.

Sulyap sa araw-araw na buhay sa loob ng base

Ang mga dokumento ay nagbibigay ng pambihirang sulyap sa pang-araw-araw na buhay sa mga base militar ng Russia, kabilang ang mga detalye kung saan kumakain, natutulog, at gumagamit ng palikuran ang mga sundalo.

Inilalarawan dito ang mga lugar pahingahan, kagamitan para sa ehersisyo, at maging ang mga larong pampalipas-oras ng mga sundalo, tulad ng chess at checkers.

Ipinakikita nito kung saan nakaimbak ang mga kagamitang pananggalang at kabinet ng armas, na pinaaalam ang istruktura ng seguridad sa mga base.

Hindi lamang taktikal na seguridad ng mga pasilidad nukleyar ng Russia ang binubuwag ng pagkakasiwalat na ito. Tinatalo nito ang mitong hindi matitinag na Russia.

Sinabi ni Zhmaylo na pahihintulutan ng mga dokumento ang United States at Europe na pag-aralan nang detalyado ang depensa ng Russia at baguhin ang kanilang mga estratehiya. Idinagdag niya na ang materyal ay “kapaki-pakinabang din para sa Ukraine,” na ang mga serbisyong intelihensiya ay nagsagawa na ng pagpatay sa mga opisyal ng Russia at pag-atake sa mga imprastruktura.

“Sa mahinahong pananalita, kailangang maghanda ang mga Russian, muling suriin ang kanilang mga protocol sa komunikasyon, at magsagawa ng mga panloob na pagsasanay,” ani Zhmaylo.

Higit pa sa paglantad ng mga kahinaan, ang mga dokumentong ito ay maaaring maging matinding kahinaan ng rehimen ni Putin.

Gusto mo ba ang artikulong ito?


Captcha *