Mga Kalakaran sa Usaping Pandepensa

Pag-atake ng drone ng Ukraine sa Russia, sumira sa alamat ng di-matitinag na Kremlin

Bagamat kulang sa armas, pinabagsak ng Ukraine ang mga strategic bomber ng Russia, na buong kumpiyansang ipinarada sa labas sa malalayong lugar sa hilaga at silangan. Muli na namang pinatunayan ng Ukraine: walang ligtas na lugar sa Russia.

Tinamaan ng mga drone ng SBU ang mga kagamitan, bodega, at mga tauhan ng kalaban, bawat misyon ay unti-unting binabawasan ang pwersa ng Russia. [SBU Telegram channel]
Tinamaan ng mga drone ng SBU ang mga kagamitan, bodega, at mga tauhan ng kalaban, bawat misyon ay unti-unting binabawasan ang pwersa ng Russia. [SBU Telegram channel]

Ayon kay Galina Korol |

KYIV -- Isa sa pinakamapangahas na hakbang ng Ukraine laban sa pananakop ng Russia ang naisagawa nila kamakailan.

Bagamat wala itong sariling mga strategic bomber, tinamaan nito ang pinakalikod ng Russia noong Hunyo 1. Ang operasyon, na tinawag na Spider’s Web, ay sumira o puminsala sa 41 bomber at sumira sa alamat ng di-matitinag na Kremlin.

Paglipad ng mga drone palabas mula sa mga truck na iniwan ng Ukraine sa malalayong base ng Russia, nawalan na ng depensa ang mga bomber.

Ipinarada ang mga bomber sa labas, dahil hindi inakala ng Russia na aabot doon ang armas ng Ukraine.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, ang 'opisina' na nagsasaayos ng operasyon sa loob ng Russia ay nakabase malapit sa isang regional headquarters ng FSB. [Petro Shuklinov Facebook page]
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, ang 'opisina' na nagsasaayos ng operasyon sa loob ng Russia ay nakabase malapit sa isang regional headquarters ng FSB. [Petro Shuklinov Facebook page]
Itinago ng mga Ukrainian operator ang mga drone sa mga kubol, isinakay sa mga truck, at kumuha ng mga walang kamalay-malay na Russian truck driver para ihatid ang mga ito sa mga napagkasunduang destinasyon. [Petro Shuklinov Facebook page]
Itinago ng mga Ukrainian operator ang mga drone sa mga kubol, isinakay sa mga truck, at kumuha ng mga walang kamalay-malay na Russian truck driver para ihatid ang mga ito sa mga napagkasunduang destinasyon. [Petro Shuklinov Facebook page]

Ang pagsisikap na pahinain ang mga armas ng Russia, na nagsimula sa pagpapahina sa Black Sea Fleet na naging isang "flotilla" (maliit na armada ng mga barko), umusbong ito sa isang kampanyang nagpapatunay na walang tunay na panangga ang distansya, depensa, o reputasyon.

Ayon sa mga analyst, pag-aaralan pa ang Spider's Web sa mga darating na taon.

“Wala pang nakakagawa ng ganito,” ayon kay Petro Shuklinov, isang Ukrainian serviceman, mamamahayag, at co-founder ng charity na Nesemos!, sa panayam ng Kontur, isang kaakibat na publikasyon ng Global Watch.

Sa harap mismo ng FSB ng Russia

Noong hapon ng Hunyo 1, nag-viral sa mga online forum ang balita: mga low-cost na FPV (first-person view) drone ng Ukraine ang umatake sa apat na Russian air base: Belaya, Dyagilevo, Olenya at Ivanovo, pawang mga base ng mga strategic bomber na may kakayahang magdala ng mga nuclear weapon.

Ang Olenya ay nasa north ng Arctic Circle. Ang Belaya naman ay nasa Siberia, 4,500 km ang layo mula Ukraine.

Gulat na napanood ng mga Russian war correspondents habang nilalamon ng apoy ang mga eroplanong matagal nang naghasik ng lagim sa mga lungsod ng Ukraine.

Napanood din ng mga Ukrainian ang pagkalat ng footage sa internet.

Dose-dosenang video ang nagpapatunay sa lawak ng atake. Tinalo ng husay sa mga long-range precision strike ng Operation Spider’s Web ang depensa ng Russia.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, mahigit 18 buwan pinaghandaan ng Security Service ng Ukraine (SBU) ang operasyon.

“Ang pinaka-interesante, at ngayon ay maari nang ihayag, ay ang 'opisina' ng operasyon natin sa loob ng teritoryo ng Russia ay nasa tabi mismo ng regional headquarters ng FSB [Federal Security Service],” sabi ni Zelenskyy sa isang video message sa Telegram noong Hunyo 1.

Ipinahayag ng Ukrainian media na ang lungsod ay ang Chelyabinsk. Ayon kay Zelenskyy, 117 drone at iba’t ibang mga operator ang lumahok sa operasyon sa tatlong time zone ng Russia.

Walang nasawing Ukrainian at ligtas na nailabas lahat ng kanilang tauhan bago ang drone strike, dagdag pa ni Zelenskyy.

Isang natagong sandata sa nagkukunwaring truck

Nakapaglabas ng mga bihirang litrato ang ilang Ukrainian journalist ng paghahanda sa mga drone, na inilabas ni Shuklinov noong Hunyo 1.

Ayon sa kanya, nakasalalay ang tagumpay sa matalinong paraan ng paghahatid: ipinadala muna ng SBU sa Russia ang mga FPV drone, kasunod ang mga kubol na gawa sa kahoy.

Itinago ang mga drone sa ilalim ng mga bubong, isinakay sa mga truck, at inupahan ang mga walang kamalay-malay mga Russian driver para ihatid sa mga target na lokasyon.

Pagsapit ng takdang oras, gamit ang mga remote device, binuksan ng mga operatiba ang mga kubol at pinalipad ang mga drone. Naiprograma na ang mga ito upang tirahin ang mga tangke ng gasolina ng mga bomber, kaya mas malaki ang pinsalang naidulot nito.

Nabigo ang air defense ng Russia sa mga base. Hindi rin nakatulong ang mga tauhan sa basedahil sa labis na kumpiyansa, iniwan nilang nakalantad sa labas ang mga eroplano, tulad ng ipinakita sa mga video.

“Hindi epektibo ang Pantsir air defense missile system laban sa mga FPV drone,” ayon kay Igar Tyshkevich, isang political scientist at dating analyst ng Ukrainian Institute of the Future, sa Kontur.

Ayon kay Tyshkevich, ang mga alternatibong sandata, kahit simpleng shotgun, ay "maaaring hindi available … o nakalimutan nilang i-activate."

‘Hindi na mababawi ang nawala'

Noong umaga ng Hunyo 2, inilabas ng SBU ang kanilang damage assessment.

“Bunga ng mga drone strike, 41 aircraft ang tinamaan, kabilang ang A-50, Tu-95, Tu-22 M3 at Tu-160,” ayon sa SBU sa Telegram noong Hunyo 2.

Ayon kay SBU chief Lt. Gen. Vasyl Malyuk, 34% ng mga strategic cruise missile carrier ng Russia sa mga pangunahing air base ay nawasak, isang “matinding sampal” sa air force ng Russia, sa gobyerno nito, at sa pagkakakilanlan nito bilang isang “terorista”.

Tinatayang nasa $7 bilyon ang halaga ng pinsala, ayon sa ahensya.

Patuloy na sinusuri ng mga independent analyst ang satellite imagery.

Ang tunay na kahalagahan ay hindi sa bilang ng mga eroplano na nawasak kundi sa pagkawala ng mga eroplanong hindi na kayang palitan ng Russia.

“Wala nang produksyon ng Tu-22 at Tu-95MS sa Russia,” sabi ni Mykhaylo Zhyrokhov, isang military analyst at historian, sa Kontur.

“Ang tanging ginagawa nila ay ang Tu-160. At isa lang ang nagagawa nila sa loob ng isang taon,” dagdag niya.

Ipinunto ni Zhyrokhov ang asymmetry ng strike: murang sandata, na kontrolado mula 4,000 km ang layo ang epektibong tumama sa Russia.

“Ibig sabihin, kung ikukumpara natin ang isa sa mga Tu-22 o Tu-95 missile carrier, na napakamahal ang halaga, sa isang drone na nagkakahalaga lamang ng $600, siyempre, napakalakas ng ganitong uri ng kahusayan,” ani niya.

Isang 'ideological na sampal sa mukha'

Ang Operation Spider's Web ay tumama sa mga strategic aircraft ng Russia at pinahina ang pundasyon ng kanilang imahe sa militar at politika.

Talagang “napakasakit” ng pag-atake, dahil hindi lamang mga air base ang tinarget kundi pati mga bagay na may kaugnayan sa “nuclear triad” ng Russia, ayon kay Tyshkevich.

“Ito ay isang napakalakas at ideolohikal na sampal sa mukha. Ang karaniwang Russian ay kumpiyansang hindi matitinag ang kanilang mga nuclear, military, at space force … pero lumalabas na hindi pala,” aniya.

Para ipakita ang lawak ng pinsala, binanggit ni Tyshkevich na kabilang sa nuclear triad ng Russia ang 58 na Tu-95, 16 na Tu-160, at 58 na Tu-22M3, kasama ng 10 na A-50 early warning aircraft sa iba't ibang mga configuration.

Malamang na mapipilitan ang Russia na baguhin ang kanilang taktika sa pag-atake gamit ang missile, ani Tyshkevich.

Nakagawian ng umasa ang Russia sa mga ground-based Iskander system, mga naval group sa Black Sea at Caspian Sea, at mga strategic bomber.

Binanggit ni Tyshkevich ang mga patuloy na problema sa Iskanders at ang huminang kakayahan ng Black Sea Fleet matapos umatras sa Novorossiysk.

“Ang aircraft ang pinaka-flexible na sistema para sa pagpaplano at paghahatid ng mga missile strike,” ani Tyshkevich.

Ngunit ngayon, “mapipilitan ang Russia na humanap ng ibang paraan para magsagawa ng mga air attack laban sa Ukraine,” aniya.

Pinahihina ng mga asymmetric strike ng Ukraine ang banta ng nuclear force ng Russia at pinapababa ang imahe nito sa mundo, “lalo na sa tinatawag na club ng nuclear states,” aniya

Kung hindi na kayang ihatid ng Kremlin ang napakarami nitong mga warhead, “paano mo pa ito magagamit?” tanong niya.

Mararamdaman ng mga karaniwang Russian ang epekto ng Operation Spider’s Web.

“Naapektuhan ang kalaban sa aspetong psychological,” ani Shuklinov.

“Matapos ang pagkasira ng cruiser na Moskva, ang pagpasabog sa Crimean Bridge, at ang paglipol sa mga Russian general, colonel, at major sa malalalim na bahagi sa likuran, tinatapos ng operasyong ito ang epekto,” sabi niya, tumutukoy sa mga nakaraang tagumpay ng Ukraine sa digmaan.

Muling pinatunayan ng Ukraine na wala nang ligtas na lugar sa loob ng Russia, aniya.

“Kayang abutin ng mga Ukrainian intelligence service ang kahit anong lugar. Maging ang mga pinakamatibay na propagandista ng Russia ay umamin sa matinding epekto ng pagkatalong ito,” ani Shuklinov.

Gusto mo ba ang artikulong ito?