Mga Kalakaran sa Usaping Pandepensa
Mga multi-use bomb shelter ng Finland, nagsisilbing inspirasyon sa Europa kasabay ng tumitinding tensyon sa pagitan ng NATO at Russia
Ang bansang ito ay may mga bomb shelter an kayang protektahan ang halos lahat ng mga mamamayan nito sakaling magkaroon ng digmaan. Sa panahon ng kapayapaan, ginagamit ang mga ito bilang mga pasilidad para sa libangan.

Ayon sa Global Watch at AFP |
Mga swimming pool, playground, at parke ng libangan: Ang mga pasilidad sa ilalim ng lupa ng Finland, na maaaring maging bomb shelter, ay nagsilbing inspirasyon habang pinapalakas ng Europa ang paghahanda matapos ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Ang Finland ay may 1,340 km na hangganan sa Russia. Ang network ng mga civil defense shelter nito ay bahagi ng estratehiya sa paghahanda, na nagsimula bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang mga patron na magkakaiba ang edad ay lumalangoy o nagpapahinga sa mga sauna sa maluwang na Itakeskus swimming hall, na inukit sa granodiorite bedrock ng Helsinki, ilang metro sa ilalim ng lupa.
Ang complex ay isa sa 50,500 na civil defense shelter ng Finland, na may espasyo para sa humigit-kumulang 4.8 milyong tao mula sa 5.6 milyong naninirahan dito.
![Kuha noong Marso 27 ang larawang ito ng underground swimming pool sa Itakeskus sa Helsinki, Finland. [Alessandro Rampazzo/AFP]](/gc7/images/2025/04/07/49886-pool_shelter1-370_237.webp)
![Ang mga bunk bed sa Merihaka civil defense shelter na kinunan noong Marso 27 sa Helsinki, Finland. [Alessandro Rampazzo/AFP]](/gc7/images/2025/04/07/49887-shelter-370_237.webp)
Nilalayon nitong tumanggap ng hanggang 3,800 ina ndibidwal; maaaring tanggalan ng tubig ang mga pool at gawing mga bomb-proof shelter sa loob lamang ng 72 na oras.
"Ito ang pinakamalaking civil defense shelter sa mundo na may kasamang swimming hall," paliwanag ni Teemu Raatikainen, na halos 30 taon nang pinuno ng maintenance ng pasilidad, habang binibigyan ng tour ang AFP.
Estratehiya sa seguridad ng Finlandbatay sa pangmatagalang pamumuhunan sa militar at sa paghahanda — kabilang ang mga silungan ng pagtatanggol sibil — ay nakatanggap ng internasyonal na interes, lalo na mula sa mga bansa ng NATO, pagkatapos ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine noong 2022 at ang lumalalang sitwasyon sa seguridad sa buong Europa.
Inaasahan ng mga bansa ng NATO na lalala lamang ang banta mula sa Russia habang lumilipas ang panahon, ayon sa ulat ng Danish Defense Intelligence Service (DDIS).
"Tinuturing ng Russia na ito ay nasa isang tunggalian laban sa Kanluran at ito aynaghahanda para sa digmaan laban sa NATO," ayon sa ulat ng DDIS noong Pebrero 9.
“Hindi ito nangangahulugan na may desisyon nang magsimula ng digmaan, ngunit naghahanda na ng armas ang Russia at bumubuo ng kakayahan upang gawin ito,” ayon sa ulat.
Mga tunnel na hindi tinatablan ng pagsabog
May kapasidad para sa 6,000 na tao, ang Merihaka shelter sa sentrong Helsinki ay may underground playground, mga court para sa mga larong gagamitan ng bola, at mga gym.
"Palagi naming ginagamit ang mga silungang ito, sa panahon man ng kapayapaan o sa panahon ng digmaan," sabi ni Jarkko Hayrinen, ang senior rescue officer ng Interior Ministry ng Finland, habang ipinapakita ang isa sa malalaking bomb shelter sa Helsinki.
"Ang mga silungan ay mahusay na napapanatili dahil ginagamit ito ng mga tao kahit sa karaniwang panahon," sabi ni Hayrinen.
Ang 'cultural mindset' ng Finland na isinasangkot ang lahat ng sektor ng lipunan sa seguridad ay naging 'trademark' ng bansa matapos itong sumapi sa NATO noong 2023, ayon kay Matti Pesu, senior researcher sa Finnish Institute of International Affairs.
"Ang mga civil defense shelter ay isang tunay na simbolo ng paghahanda ng mga awtoridad upang protektahan ang mga mamamayan sa mga sitwasyong pang-emergency," sabi niya.
Ang mga kapita-pitagang mga panauhin tulad nina Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy at Danish King Frederik X at Queen Mary ay kamakailan lamang binigyan ng guided tour sa mga zigzag na mga tunnel na hindi tinatablan ng pagsabog ng Merihaka shelter.
Matagal nang tradisyon
Ang unang [legislatibong] hakbang sa pagtatayo ng mga kanlungan ng depensa ay pinagtibay noong 1939, dalawang linggo bago magsimula ang Digmaang Taglamig, sabi ni Hayrinen, na tumutukoy sa pagsalakay ng Unyong Sobyet sa Finland na tumagal nang mahigit sa 100 na araw.
"Ang Finland ay hindi handa sa pagtatanggol ng mga sibilyan sa panahon ng digmaan, at ito ay isang mahirap na aral para sa amin," sabi niya.
Ang Nordic country ay mayroon nang mga bomb shelter upang protektahan ang halos lahat ng mamamayan, naglaan ang Helsinki ng espasyo para sa 900,000 na tao — sapat upang matanggap ang lahat ng mga residente ng kabisera at libo-libong iba pa.
Dinisenyo upang manatiling nakatayo sa gitna ng mga pagsabog, pagguho ng gusali, radyasyon, at mga nakalalasong sangkap, ang pinakamalalaking pampublikong silungan sa Finland ay pangunahing matatagpuan sa mga mataong lugar.
Ang mga gusali o pabahay na may lawak na lagpas sa 1,200 metro kuwadrado ay iniaatas ng batas na magkaroon ng bomb shelter.
Ang iba pang bansa na may katulad na malawak na access sa mga silungan ay ang Switzerland, Sweden, Norway, at Israel.
"Ang lahat ng mga bansang ito ay pinag-isa ng tradisyon ng neutralidad o ng isang estratehikong mahirap na posisyon," sabi ni Pesu.
Ang Finland, kung saan ang serbisyo militar ay sapilitan para sa mga kalalakihan at boluntaryo para sa mga kababaihan, ay mabilis na makapagkilos ng tinatayang 280,000 na sundalo, at ang kabuuang reserbang militar ay binubuo ng mga 900,000 na miyembro.
Inanunsyo ng bansa noong Abril 1 na itataas nito ang gastusin para sa pambansang depensa sa hindi bababa sa 3% ng gross domestic product (GDP) pagsapit ng 2029 bilang tugon sa banta ng seguridad mula sa Russia.