Mga Kalakaran sa Usaping Pandepensa
Poland: Itataas ang defense spending sa 4.8% ng GDP dahil sa banta mula Russia
Sa gitna ng lumalalang tensyon sa Moscow, sinimulan ng Poland ang mabilis na pagmomodernisa ng kanilang sandatahang lakas, gumagastos ng bilyon-bilyong dolyar sa armas, partikular na kinukuha sa US at South Korea.
![Nagsalita si Polish Deputy Prime Minister at Defense Minister Wladyslaw Kosiniak-Kamysz sa military parade para sa National Army Day sa Warsaw, Poland, noong Agosto 15. Lumahok din ang mga miyembro ng Polish armed forces sa taunang Armed Forces Day military parade na ginagawa tuwing Agosto 15 bilang paggunita sa pagkapanalo ng Poland laban sa hukbo ng Soviet Union noong 1920. [Aleksander Kalka/NurPhoto via AFP]](/gc7/images/2025/09/08/51819-pole-370_237.webp)
Ayon sa AFP at Global Watch |
Itataas ng Poland sa 4.8% ng GDP ang kanilang defense spending sa susunod na taon.
Inilabas ang panukalang budget kasabay ng anunsyo ng NATO na nakatakda nang maabot ng lahat ng miyembro ngayong taon ang dating target ng alyansa na dalawang porsyento ng GDP para sa defense spending.
Mahalagang miyembro ng alyansa ang Poland sa silangang bahagi nito, habang ang kalapit na Ukraine ay patuloy na nakikipaglaban sa pananakop ng Russia na sinimulan noong 2022.
“Maglalaan kami ng 200 bilyong zloty ($55 bilyon), pinakamataas sa kasaysayan, para sa depensa” sa 2026, na kumakatawan sa “mahigit 4.8% ng GDP,” ayon kay Finance Minister Andrzej Domanski sa mga mamamahayag noong Agosto 28 matapos ang isang pagpupulong ng gabinete.
Dahil sa pangamba sa banta ng Russia, sinimulan ng Poland ang mabilis na modernisasyon ng kanilang sandatahang lakas, gumagastos ng bilyon-bilyong dolyar sa armas na partikular na kinukuha sa US at South Korea.
Noong Hunyo, nagkasundo ang 32 bansang kasapi ng NATO na malakihang dagdagan ang defense spending sa susunod na dekada.
Sapilitang serbisyo militar
Ang pangako na maglaan ng 5% ng kanilang GDP para sa gastusing pangseguridad ay nahahati sa 3.5% para sa pangunahing defense spending at 1.5 porsiyento para sa mas malawak na gamit, kabilang na ang imprastruktura at cyber security.
Pinapalitan ng bagong target na ito ang dating layunin ng alyansa na dalawang porsyento para sa military spending, na unang itinakda noong 2014.
Noong Pebrero, inilunsad ni Polish Prime Minister Donald Tusk ang 2025 Economic Plan ng bansa na may higit sa 650 bilyong PLN ($171 bilyon) na pamumuhunan. Ayon sa mga pagtataya, maaaring umabot sa 700 bilyong PLN ($184 bilyon) ang pamumuhunan -- ang pinakamataas sa kasaysayan.
Ang mga pamumuhunan ay hindi lamang nakatuon sa muling pagpapasigla ng paglago ng ekonomiya ng bansa kundi pati na rin sa pagpapalakas ng kapasidad pandepensa.
Pinaplano ng Poland na ilaan ang bahagi ng pondo para patibayin ang silangang hangganan nito sa Belarus at magtayo ng mga imprastrukturang kalsada at riles, dahil kritikal ang papel ng bansa sa paghahatid ng armas mula sa Kanluran patungong Ukraine.
Naghahanda rin ang Poland na dagdagan ang kanilang mga volunteer army reserve at palawakin ang volunteer military training program, na target nitong magkaroon ng 100,000 kalahok bawat taon pagsapit ng 2027.
Bagama’t tinapos ng Poland ang pagrerehistro ng mandatoryong serbisyo militar noong 2008, sinabi ni Maj. Gen. Maciej Klisz, operational commander ng Polish armed forces, nitong Marso na malamang ibalik ang mandatoryong serbisyo militar dahil hindi sapat ang bilang ng mga reservist.
Binanggit niya ang karanasan ng Finland, na may humigit-kumulang 5.5 milyong mamamayan at halos 1 milyong reservists.
Sa populasyong 37 milyon, upang makamit ang parehong proporsyon, “[kailangan] ng Poland ng 7 milyong reservists,” ayon kay Klisz sa Polish news channel TVN24 noong Marso 28.