Mga Istratehikong Usapin
Palpak na destroyer ng North Korea nilantad ang kahinaan sa militar ni Kim
Ayon sa mga tagamasid, maaaring binuo ang destroyer sa tulong ng Russia, kapalit ng mga armas o maging ng mga sundalong mula sa Pyongyang bilang suporta sa digmaan ng Moscow sa Ukraine.
![Sa isang litratong kuha sa Seoul noong Mayo 2, makikitang may mga taong nakaupo malapit sa isang telebisyon na nagpapakita ng balita at satellite image mula sa Maxar Technologies, kung saan makikita ang tanawin ng isang bagong barkong pandigma ng North Korea sa pantalan bago ang paglulunsad nito sa Chongjin. Ayon sa state media noong Mayo 22, nagkaroon ng malubhang insidente sa seremonya ng paglulunsad. [Anthony Wallace/AFP]](/gc7/images/2025/05/23/50527-korea_destroyer-370_237.webp)
Ayon sa Global Watch at AFP |
Nakaranas ng malaking kabiguan ang North Korea sa kanilang pagsusumikap na gawing moderno ang kanilang navy matapos masira ang ipinakilalang bagong destroyer sa mismong araw ng paglulunsad nito--isang kabiguang tinawag ni Kim Jong Un na isang “kriminal na gawain” at itinuturing ng mga analyst bilang isang malaking kabiguan sa kanilang militar at propaganda.
Ang 5,000-toneladang barkong pandigma, na inilunsad noong Mayo 21 sa eastern port city ng Chongjin, ay nakaranas ng tinawag ng North Korean state media na isang “matinding aksidente,” kung saan nasira ang bahagi ng ilalim ng barko at nawalan ito ng balanse.
Kinondena ni Kim, na dumalo sa okasyon, ang insidente bilang resulta ng “lubos na kapabayaan” at nangakong parurusahan ang mga responsable sa nalalapit na pagpupulong ng Party Central Committee.
“Hindi maaaring palampasin ang ganitong klaseng iresponsableng pagkakamali,” ani Kim, na idinagdag na ang mga pagkukulang ay isang kriminal na paglabag sa tungkulin.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng pinagsamang hepe ng militar ng South Korea na ang side-launch ng barko—isang luma at hindi na ginagamit na paraan ng paglulunsad sa Seoul—ay pumalpak, dahilan upang ang barko ay tumagilid sa tubig.
Batay sa laki at nakikitang mga katangian nito, sinasabi ng mga opisyal ng South Korea na ito ay isa pang barko ng Choe Hyon class, unang ipinakita noong Abril at itinampok ng Pyongyang bilang pinakamoderno nitong barkong pandigma sa ngayon.
Isang pang palatandaan ng kawalang-katatagan
Lalo pang nakakasira kay Kim ang nabigong paglulunsad, dahil itinampok niya ang destroyer bilang pangunahing bahagi ng kanyang kampanya upang lubos na palakasin ang kapangyarihang pandagat ng Hilagang Korea.
Sinabi niya noon na taglay ng barko ang “pinakamalalakas na sandata” at inaasahang magsisimula nang gamitin sa unang bahagi ng susunod na taon.
Ilan sa mga analyst ay nagpapalagay na maaaring kayang magdala ng short-range missiles na may nuclear capability ang barko, bagaman wala pang ebidensyang nagpapakita na kaya ng Pyongyang na paliitin ang sukat ng nuclear warheads para sa ganitong gamit.
Ang kabiguang ito ay kasabay ng iba pang palatandaan ng kawalang-katatagan. Isang araw matapos ang insidente, iniulat ng South Korea na nagpaputok ang North Korea ng ilang cruise missile mula sa lalawigan ng South Hamgyong patungong East Sea, na nagpalala sa tensyon sa rehiyon.
Ang pagkabigo sa militar ay malinaw na taliwas sa imaheng umuunlad sa teknolohika ang North Korea, na nais nilang ipakita, lalo na at lumalalim ang ugnayang militar nito sa Russia.
Ang destroyer ay maaaring nabuo sa tulong ng Russia, na maaaring kapalit ng pagbibigay ng mga armas o maging ng mga sundalo ng Pyongyang upang suportahan ang Moscow sa laban nito sa Ukraine, ayon sa mga tagamasid.
Naganap ang aksidente sa Chongjin, malapit sa pantalan ng Vladivostok sa Russia -- na maaaring sentro ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Posibleng isinaayos ang iskedyul at proseso ng konstruksyon sa Russia, ayon kay Ahn Chan-il, isang defector at mananaliksik sa World Institute for North Korea Studies.
“Mukhang minadali ang paggawa ng daungan, at maaaring nagkaroon ng maraming problema sa proseso ng paggawa ng barko,” aniya, at tinawag ang insidente bilang isang posibleng kahihiyan hindi lamang para sa mga opisyal ng North Korea kundi pati na rin sa mga kasamahan nilang Ruso.
Militar ginagastusan habang gutom ang mga mamamayan
Sa kabila ng pampublikong kahihiyang ito, itinutulak pa rin ni Kim ang pagpapalawak ng militar.
Kamakailan, binisita niya ang isang site para sa paggawa ng nuclear submarine at patuloy niyang isinusulong ang paglalaan ng gobyerno ng pondo para sa kakayahan sa ibabaw at lalim ng dagat.
Ipinahayag din ng Pyongyang na gumagawa sila ng underwater nuclear drones na kayang masgpasimula ng “radioactive tsunami”—isang pahayag na pinagdududahan ng maraming analyst.
Dahil sa matinding pagtutok ni Kim sa militar, isinasakripisyo niya ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon.
Habang malaki ang ginagastos ng Pyongyang sa mga sandata, halos 46% ng populasyon ng North Korea—o tinatayang 11.8 milyong tao—ang dumaranas ng chronic undernourishment, ayon sa ulat ng United Nations (UN) batay sa datos mula 2020 hanggang 2022.
Ang labis na budget sa militar ng Pyongyang ay nagkakait sa mga mamamayan nito ng mga pangunahing pangangailangan , babala ni Elizabeth Salmon, espesyal na rapporteur ng UN para sa karapatang pantao sa North Korea, mas maaga ngayong taon.
“Hindi sapat ang paglalaan ng gobyerno ng pondo upang matamasa ng mamamayan ang kanilang mga karapatang pantao” ayon sa kanyang ulat noong Pebrero 5, na binanggit ang kakulangan sa gamot at sa pondo na mga paaralan.
Gayunpaman, ipinipilit pa rin ni Kim na ang pagpapalakas ng militar niya ay isang hakbang para sa depensa laban sa umano’y tumitinding agresyon ng US at mga kaalyado nito.
Samantala, pinaigting ng US at South Korea ang kanilang mga pinagsamang ehersisyo at nagpadala ng mahahalagang kagamitan, kabilang na ang mga nuclear submarine at aircraft carrier, upang hadlangan ang mga panibagong banta ng North Korea.