Pandaigdigang Isyu

Retiradong nuclear reactor: Solusyon sa pagpapatakbo ng AI sa Europe?

Maaaring magsilbing solusyon ang mga retiradong nuclear reactor sa pagpapatakbo ng AI sa Europe.

Makikita sa larawang ito ang Cattenom nuclear power plant sa Oeutrange, hilagang-silangan ng France, na kuha noong Enero 7. [Jean-Christophe Verhaegen/AFP]
Makikita sa larawang ito ang Cattenom nuclear power plant sa Oeutrange, hilagang-silangan ng France, na kuha noong Enero 7. [Jean-Christophe Verhaegen/AFP]

Ayon sa Global Watch |

Habang patuloy na binabago ng artificial intelligence (AI) ang mga industriya at ekonomiya, isa sa pinakamabigat nitong hamon ay ang enerhiya. Hindi na lang usapin ng mga algorithm, chip, at data ang AI, nakasalalay na rin ito sa imprastrakturang kailangan upang masuportahan ang mabilis at tuluy-tuloy nitong paglago.

Sa Europe, kung saan pangunahing prayoridad ang seguridad sa enerhiya at pangmatagalang pagpapanatili ng kapaligiran at sistema, ang tanong ay hindi kung mangangailangan ba ng mas maraming enerhiya ang AI, kundi kung paano matutugunan ang pangangailangang ito nang hindi isinasakripisyo ang mga layuning pangkalikasan at katatagang pang-ekonomiya.

May pagkakataon ang Europe na gamitin ang kasalukuyang mga teknolohiya at yaman upang harapin ang hamong ito. Isa sa mga kapansin-pansing ideya ay ang muling paggamit ng mga retiradong nuclear reactor, isang konseptong unti-unting napapansin na sa US at maaaring magbigay ng mahahalagang aral sa mga policymaker ng Europe.

Malakas na konsumo ng kuryente ng AI

Malalaking operasyon na nangangailangan ng napakalaking kuryente ang mga modernong AI system. Ang isang malakihang data center pa lamang ay maaaring kumonsumo ng kuryente na kasinglaki ng pangangailangan ng isang malaking lungsod, at habang lalong lumalawak ang paggamit ng AI, mas lalo ring mahihirapan ang mga power grid ng Europe.

Bagaman mahalaga sa pangmatagalang plano ng Europe ang renewable energy gaya ng hangin at araw, may limitasyon ang mga ito pagdating sa pagdami at pagiging maaasahan, lalo na para sa 24/7 na pangangailangan ng kuryente ng AI infrastructure.

Dito pumapasok ang nuclear energy, na may kakayahang maghatid ng tuluy-tuloy at mataas na antas ng kuryente bilang isang posibleng solusyon.

Gayunman, ang pagtatayo ng mga bagong nuclear plant sa Europe ay kadalasang mabagal, magastos, at puno ng isyung pampulitika. Ang mga hadlang sa regulasyon, pag-aalinlangan ng publiko, at mahabang panahon ng konstruksiyon ay nagpapahirap sa ganitong opsyon sa panandaliang panahon.

Sa halip, maaaring pag-aralan ng Europe ang muling paggamit ng mga kasalukuyan o retiradong nuclear asset upang matugunan ang pangangailangan sa enerhiya ng AI.

Mga aral mula sa US

Sa US, nakatawag-pansin hanggang sa pinakamataas na lebel ng pamahalaan ang mga panukalang muling gamitin ang mga retiradong nuclear reactor ng Navy para sa sibilyang gamit. Ang mga reactor na ito, na orihinal na idinisenyo para magbigay-enerhiya sa mga aircraft carrier at submarino, ay ikinukonsidera ngayon bilang pinagkukunan ng kuryente para sa mga AI data center.

Simple ang lohika -- ang mga reactor na ito ay nakatayo na, bayad na, at napatunayang ligtas gamitin kahit sa matitinding kondisyon.

Para sa Europe, ang ideya ng muling paggamit ay akma sa kanilang layunin na pagpapanatili ng kapaligiran at sistema, at mahusay na paggamit ng mga yaman. Ang muling paggamit ng kasalukuyang nuclear infrastructure ay maaaring magpababa ng gastos, magpabilis ng deployment, at magpaliit ng environmental impact kumpara sa pagtatayo ng mga bagong pasilidad.

Nagbibigay rin ito ng paraan upang mapunan ang kakulangan sa kuryente na kailangan ng AI at ng pangako ng Europe na bawasan ang carbon emissions.

Pagsulong ng teknolohiya

Matagal nang nangunguna ang nuclear sector ng Europe sa inobasyon, mula sa mga advanced reactor design hanggang sa mga solusyon sa waste management.

Sa paggamit ng ganitong karanasan para sa hamon ng kuryente para sa AI, maaaring makabuo ang Europe ng mga angkop na solusyong pinagsasama ang nuclear power at mga umuusbong na teknolohiya gaya ng mga small modular reactor (SMR) at mga advanced cooling system para sa mga data center.

Mas pinatitibay pa ng pagtutok ng Europe sa digital sovereignty at secure infrastructure ang argumento para sa mga AI system na pinapagana ng nuclear energy.

Hindi tulad ng fossil fuels o imported na enerhiya, nagbibigay ang nuclear power ng kontrolado at maaaring dagdagan mula mismo sa loob ng bansa, para patakbuhin ang mahahalagang teknolohiya. Akma ito ng mas malawak na layunin ng Europe na bawasan ang pagdepende sa panlabas na pinagmumulan ng enerhiya at tiyakin ang tibay ng digital economy nito.

Estratehiya para sa mga susunod na henerasyon

Ang muling paggamit ng mga retiradong nuclear reactor ay hindi lamang teknikal na solusyon, isa rin itong estratehikong hakbang.

Para sa Europe, maaaring sabay-sabay nitong tugunan ang maraming prayoridad: matugunan ang pangangailangan ng enerhiya ng AI, isulong ang mga layuning pagpapanatili ng kapaligiran at sistema, at palakasin ang independensya sa enerhiya. Sumasalamin din ito sa mas malawak na pangangailangang pag-isipang muli kung paano maaaring iakma ang mga kasalukuyang teknolohiya sa mga bagong hamon.

Hindi rin naman nawawala ang mga hamon sa ideya ng muling paggamit ng mga retiradong nuclear reactor para sa mga AI data center.

Mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng maingat na pagpaplano at malinaw na komunikasyon, lalo na pagdating sa pagtanggap ng publiko, pag-apruba ng regulasyon, at teknikal na pag-aakma. Gayunpaman, ang mga benepisyong dulot ng mas mababang gastos, mas mabilis na timeline, at mas matibay na seguridad sa enerhiya ay sapat na dahilan upang pag-aralan ang ganitong pamamaraan.

Para sa Europe, ang hinaharap ng estratehiya sa enerhiya para sa AI ay hindi nakasalalay sa paggawa ng bago mula sa simula, kundi sa pagpapahusay ng mga teknolohiya at yaman na mayroon na ito. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa inobasyon at muling paggamit, maaaring harapin ng Europe ang mga hamon ng panahon ng AI habang nananatiling tapat sa mga pagpapahalaga nito sa pangmatagalang pagpapanatili ng kapaligiran at sistema, kahusayan, at tibay.

Gusto mo ba ang artikulong ito?